0

Ondoy, Part 2

Finally, I got to know my brother’s (AstroGurl) full kuwento about his Ondoy experience last weekend.  The following is his email to our dad, who’s in the US and who was at first very worried about our situation last weekend because he couldn’t get through our landline nor our cellphones.

Hi Pa!

We are all okay po. Wala pa rin kaming landline, pero, obviously may DSL connection po kami. Grabe talaga po nangyari dito. Pumasok pa ako nung Saturday. Nung pauwi na ako ng 11, hanggang tuhod na po yung tubig sa Espana. Nung malapit na po ako sa Concepcion market,nagpaikut-ikot yung jeep kaso, wala na talagang madaanan. Bagsak ulit kami sa Bayan po. Bumaba na ako ng jeep, thinking that I would be able to walk my way home. Kaso, hanggang hita na yung tubig! I went to Blue Wave mall, kaya lang sarado. Pinasok na rin ng tubig yung mga establishments po dun.

 
Umihi muna ako sa restroom sa labas ng Blue Wave (hindi ko na makita yung toilet, pero yung wall urinal okay pa). I was trying to contact mama kaya lang wala talaga. Nasira na yung payong ko. Naglakad na ako sa kahabaan ng Sumulong. Madaming taong naglalakad. Bawat intersection na madaanan namin, kapit-bisig po kami kasi ang lakas ng current. Matatangay ka talaga. Even me na mabigat na nahihirapan po talagang mamentain yung balance ko even if kapit-bisig na kami. Nasubabybayan ko yung pagtaas ng tubig. By the time na umabot na ako sa Roosevelt (may kasama po akong dalawang matanda, mom and son, akala ko nga bibigay na si lola eh. grabe) hanggang chest na po yung tubig. Nagpahinga po kami sandali (sayang, nabasa yung dala nilang Big Mac. hehe) Tapos lumusong ulit kami.

 
Ang plan namin is pumuntang diretsuhin yung Sumulong Hi-way up to Durawood, kaya lang sabi nila lagpas tao na raw yung tubig doon. So, dumaan na lang kaming Brgy. San Isidro and ayun, nag-stay po kami sa Brgy. Hall which served as an evacuation center. I arrived there at about 4 o’clock na po. Maswerte pa ako at nakontack ko pa si Mama. Sinabi pa niya “Bakit ka bumaba ng jeep?” Haha. Kung alam niya lang pinagdaanan ko taht time. Anyway, ayun. Wala na akong magagawa kaya hindi na ako nag-worry. Kaunti lang yung food, biskwit lang and kape. May water naman, pero hindi ako uminom kasi may water pa ako. Tumaas pa po yung water, hanggang ulo na. Tsk2.

 
Grabe talaga. Hindi ako masyadong nakatulog. I made new acquaintances sa evac center. Haha. Pagsapit ng alas-tres, sumuong na po ulit ako together with two HS students na taga-Rancho 1. Magkapatid po sila. Hanggang hita pa po yung water. Lubog mga kotse, may nakita pa akong lumulutang na ref sa isang bahay. Tapos, in the course of our adventure, nahulog pa ako sa manhole TWICE! Buti na lang, hindi nanghihigup yung manhole…kundi baka wala na po ako. Haha. Pagdating ko ng Rainbow street, may mga jeep na dumadaan. Sumakay na po kami. Hay, I felt relieved. Nilakad ko na lang from Panorama to our house kasi wala pong trike.

I took a bath right away. I felt so exhausted. And I cried kasi may mga namatay po. Hayayay. i slept at about 5.30 ng madaling araw. Ayun, tapos ang kwento! I’m glad to be alive. Actually, walang sinabi yung sinapit ko sa mga nawalan ng bahay and even worse, buhay. I’m thankful to the Lord, of course. Ngayon, back to normal na ulit. Wala po kaming pasok this whole week. So ayun, wag na po kayo mag-worry because we’re all okay.